WARNING

THIS WEBSITE CONTAINS MATERIAL WHICH IS NOT SUITABLE FOR THOSE WHO ARE UNDER THE AGE OF 18 OR PERSONS WHO FIND ADULT MATERIAL OFFENSIVE. IF SO PLEASE THIS SITE IMMEDIATELY.

NOTICE TO EVERYONE

I LIMITED THIS BLOG TO ONE STORY PER PAGE.

YOU CAN BROWSE OTHER SEX STORIES BY SELECTING OR CLICKING THE TITLE OF THE STORY ON THE LABELS TAB ON THE RIGHT SIDE OF THIS PAGE

IF YOU HAVE A SEX STORY OR AUDIO STORIES THAT YOU WANT TO SHARE JUST SEND IT TO

SCANDALS101@GMAIL.COM

Monday, September 22, 2008

BUMIGAY SA KAPITBAHAY PART 2

PART 2
_________________________________________________________________________

Guminhawa kahit paano ang kalooban ko dahil gumaan na ang mga kompromiso namin. Ngunit kapalit nito ang katawan ko. Minsan binabagabag ako ng konsensya dahil sa mga ginagawa ko lalo na noong nag-uumpisa pa lang kami ni Nanding. Wala akong magawa dahil nakalublob na ang buong katawan ko sa pagkakasala. Iniisip ko na lang na para rin sa kapakanan ito ng aking pamilya.

Ngunit ewan ko ba kung bakit sa kabila nito ay natutunan ding tanggapin ng kalooban ko si Nanding. Nawala ang pandidiri ko kapag nagtatalik kami. Palibhasa napakabait niya sa akin. Ang dating takot ay napalitan ng kaligayahan kapag kasama ko siya. Ewan ko ba kung bakit biglang nagbago at lumambot ang damdamin ko sa kanya kahit alam kong mali na itong ginagawa ko.

Hindi ko nagawang ilihim ito kay Nanding. Siya man kasi ay nakahalata sa pagbabago ko. Ikinatuwa niya ito at lalo pa siyang bumait sa akin. Ngunit sa kabila nito ay ginampanan ko pa rin ng maayos ang tungkulin bilang asawa’t ina ng aking pamilya.

Isang bagay lang ang napansin ko. Mula nang magbago ang damdamin ko kay Nanding ay parang nag-iba naman ito sa aking asawa. Mas gusto ko pang kasiping si Nanding kaysa sa mister ko. Tingin ko mas nasasarapan ako tuwing patago kaming nagkikita ni Nanding kaysa palagian na lang katabi ko sa pagtulog ang lalaking pinakasalan ko.

Simula rin kasi noong nagkaroon kami ng mga problema sa bahay ay nawalan din kami ng panahon ng aking asawa para sa isa’t isa. Nasubsob ang kanyang isip sa pagtatrabaho dahil sa hirap ng buhay namin. Ako naman ay natuon sa paggawa ng paraan upang makatulong sa kanya lalo na kapag nagigipit kami. Mag-asawa nga kami ngunit wala nang namamagitang pisikal sa amin.

Iba si Nanding dahil agresibo siya sa kama. At nang matutunan ko nang tanggapin ang relasyon namin ay lalo pa siyang naging mainit sa pagtatalik namin. Nadadala ako sa kanyang kapusukan. Sabi pa nga ni Nanding sa akin, masarap daw pala ang ganito. Umayon ako sa kanyang sinabi dahil nasasarapan na rin talaga ako sa piling niya.

Minsan sa pag-uusap namin, binanggit sa akin ni Nanding na ano raw kaya kung maghanap na lang kami ng kahit maliit na kuwartong matutuluyan kapag nagkikita kami. Nagulat ako sa narinig sa kanya. Unang sagot ko agad ay, “Sobra na yata ang gagawin natin.”

Matagal-tagal na rin pala niyang pinag-iisipan iyon. Kaysa lagi na lang daw kaming pumapasok ng motel, mas mabuti pa kung maghanap ng kuwarto na kahit anong oras ay puwede naming puntahan. Dalawang-isip ako sa kanyang sinabi. “Parang ibabahay mo na ako n`yan,”sabi ko.

Ngumiti si Nanding sabay sabing kung gusto ko ay magsama na lang kami. Hiwalayan ko na raw ang aking asawa at ihahanap niya ako ng matutuluyan. Nang tanungin ko kung ganoon din ang gagawin niya ay umiling si Nanding. Ako lang daw at doon na lang niya ako pupuntahan sa tutuluyan ko.

“Seryoso ka ba sa sinasabi mo?” tanong ko kay Nanding. Tumango siya sabay sabing matagal-tagal na rin daw niyang pinag-iisipan ang bagay na iyon. Ngayong napag-usapan na rin lang daw namin ay mabuti pang ituluy-tuloy na namin tutal matagal na rin ang itinatago naming relasyon.

Hindi ako nakahanda sa iminungkahi niya sa akin. Maraming bagay ang pumasok agad sa isip ko. Niloko ko na ang aking asawa iiwanan ko pa ngayon ang pamilya ko. Hindi ko masagot agad ang gustong mangyari ni Nanding sa aming dalawa.

Siya naman ay kinumbinsi ako ng kinumbinsi. Kagagahan, ewan ko ngunit napapayag ako matapos ang ilang ulit pa naming pagkikita at pangungumbinsi niya sa akin. Plinano niya muna ang lahat bago ako tuluyang tumalikod sa aking pamilya.

Naghanap ng matutuluyan kong kuwarto si Nanding. Nang makatagpo ay isinama ako para makita ko raw muna ang lugar at kung gusto ko ay kukunin na niya. Sinadya ni Nanding na malayu-layo sa lugar namin ang hinanap niyang kuwarto. Walang nakakakilala sa amin sa lugar na iyon. Pabor daw iyon para sa aming dalawa para akalain na bago pa lang kaming nagsasama bilang mag-asawa.

Pinag-aralan din namin ang araw ng pag-alis ko na siyempre itinaon kong walang tao sa bahay. Isang sulat ang inihanda ko para sa aking asawa’t mga anak ilang araw bago ang pinag-usapan namin ni Nanding na araw ng pag-alis ko. Hindi rin ako naghanda ng damit para hindi makahalata ang asawa ko. Saka lang ako nag-apura na ipunin ang mga damit ko at ilang personal na gamit ng araw na mismo ng pag-alis ko.

Sa sulat ay hindi ko nagawang ipagtapat sa aking asawa ang totoong dahilan ng pag-alis ko. Hindi ko sinabi na kapitbahay lang namin ang lalaking sinamahan ko dahil siguradong malaking gulo at eskandalo ang mangyayari. Ang totoo ay hindi ko binanggit sa sulat na may sasamahan akong ibang lalaki. Ang sinabi ko na lang ay magbabaka-sakaling makatagpo ng maganda-gandang kapalaran at saka ko sila babalikan.

Ngunit bago ko inabandona ang aking pamilya ay may nabuo nang plano sa isip ko. Sakaling hindi maging maganda ang pagsasama namin ni Nanding ay babalikan ko ang aking pamilya. Siguro naman ay tatanggapin pa rin ako ng aking asawa’t mga anak kapag idinahilan ko sa kanila na nabigo akong makatagpo ng magandang kapalaran sa ibang lugar.

Sakaling maging maganda naman ang pagsasama namin ni Nanding ay hinding-hindi ko na sila babalikan. Inisip ko na magpadala na lang minsan ng pera buhat sa maiipon ko galing sa ibinibigay sa akin ni Nanding. Sa ganitong paraan man lang ay makatulong ako at mabawasan ang aking kasalanan sa kanila bagama’t alam kong walang kapatawaran itong ginawa ko kung malalaman lamang ng aking asawa ang buong katotohanan kung bakit iniwan ko sila.

Parang nagsisimula uli ako sa piling ni Nanding. Usapan namin na hindi magkakaroon ng anak dahil baka maging kumplikado na ang sitwasyon kapag nabuntis ako at nagsilang. Pumayag ako sa ganung usapan dahil naranasan ko na ang magkaroon ng pamilya at hindi ko makayang buhayin. Sinabi ko kay Nanding na ayoko nang maulit pa iyon.

Kinukuwento na lang ni Nanding sa akin ang kanyang mga nababalitaan sa bahay namin. Naglasing ang asawa ko at nagwala. Usap-usapan daw sa lugar namin ang bigla kong pagkawala. Kahit hindi ko sinabi ang totoo sa iniwan kong sulat, duda raw ang asawa ko na may sinamahan akong iba.

“Bumalik ka man siguro baka hindi ka na tanggapin sa inyo,” ayon kay Nanding. Wala na akong magagawa pa. Nandoon na. Nagpasya na ako at hindi ko na tinalikuran pa ang napag-usapan namin ni Nanding. Ikinatakot ko lang noon na baka malaman ng kanyang asawa ang totoo na siya ang dahilan ng paglayo ko sa aking pamilya. Ngunit pinawi ni Nanding ang pangamba ko sa pagsasabing pakaiingatan daw namin ang aming pagsasama.

Nagsama nga kami bilang mag-asawa ngunit panay pagtatalik lang ang nangyayari. Pinupuntahan ako ni Nanding kapag nakakagawa siya ng dahilan para hindi umuwi sa kanila sa loob ng ilang araw. May mga pagkakataon na sandali lang siya at umuuwi rin agad.

Kapag nasa akin si Nanding ay walang ibang nangyayari kundi tikiman lang ng tikiman. Walang kasawa-sawa si Nanding. Tuwing nasa akin siya ay panay sex lang ang ginagawa namin. Napansin ko pa nga na parang mas lalo siyang naging mapangahas sa mga pagtatalik.

Ang mga hindi niya ginagawa sa akin noong nagmo-motel pa kami ay nagagawa na niya nang mangupahan na kami ng kuwarto. Naging mas agresibo si Nanding na parang laging sabik na sabik sa akin. May araw nga na kararating pa lang niya sa akin ay nagyayaya na agad na mag-sex kami.

Ngunit hindi nagbago ang kanyang ugali na mabait pa rin sa akin. Ako naman ay wala nang ginagawa kundi alagaan ang aking sarili. Wala naman kasi akong ibang pinagkakaabalahan. Kaya hayun, kabit talaga ang naging papel ko sa buhay niya. Napansin din ni Nanding ang pagbabago sa akin dahil bumabalik na raw ang dati kong itsura mula nang makalayo sa problema ng aking pamilya.

Ganun daw ang gusto niyang mangyari na alagaan kong mabuti ang aking sarili. Nagsawa na raw kasi siya sa kanyang asawa na magmula nang magkaroon sila ng mga anak ay hindi na marunong alagaan ang sarili, palibhasa abala sa kanilang bahay.

Ang totoo, kaya ko ginagawa ito ay dahil natatakot ako na balang araw ay magbago rin ang isip ni Nanding at hiwalayan ako. Iniisip ko na sakaling mangyari iyon ay wala na akong mababalikan pang pamilya. Kaya bukod sa pagpapaganda para hindi niya iwanan ay lihim din akong nag-iipon sa bawat ibinibigay niya. Hindi niya alam ito at ayoko ring banggitin sa kanya.

Naging open na rin ako pagdating sa sex dahil kay Nanding. Marami akong natutunan sa kanya. Ang mga bagay na dati’y hindi ko ginagawa sa aking asawa ay natutunan kong gawin sa kanya. Parang nag-eeksperimento kami kapag nagtatalik. Marami siyang sinusubukang ipatikim sa akin.

Sa umpisa ay parang nahihiya pa ako sa kanya. Nakakapanibago dahil noon kapag nagtatalik kami ng asawa ko ay iyong mga pangkaraniwang ginagawa lang ng mag-asawa ang naranasan ko sa kanya tulad ng romansahan muna at kapag matigas na matigas na si ‘Pedro’ ay ipapasok na niya ito sa akin. Saka aarangkada nang todo-todo, sagad-sagaran hanggang sa labasan.

Ibang klase si Nanding dahil sinabi niya pa mismo sa akin na dapat pareho kaming masiyahan. Kapag pinuputukan siya, kailangang masarapan din ako at makaraos. Kung anu-ano pa muna ang mga ginagawa niya sa akin. Sari-saring posisyon sa bawat pagtatalik. Nagpipigil muna si Nanding para makahabol din ako sa kanya. Madalas nga na nilalabasan din ako sa kakaibang pakikipagtalik sa akin ni Nanding na hindi ko natikman noon sa piling ng aking asawa.

Kung sa posisyon lamang sa sex ay maraming klase na ang natikman ko kay Nanding. Patayo, pahiga, paupo, patalikod ay ginawa na niya sa akin. Parang nag-eeksperimento nga kami sa dami ng sinusubukang paraan upang parehong masarapan. Matagal siyang pumutok dahil ayon sa kanya ay ginagamitan niya ako ng muscle control para labasan din ako.

Ngunit ang paborito ko sa lahat ay ang patalikod na pagtira niya sa akin. Natikman ko na rin ang iba’t ibang pamamaraan ni Nanding kapag tinitira niya ako nang nakatalikod sa kanya. Mayroong nakatayo kami at parang aso ako na kinukubabawan niya sa likuran. Tinira na rin niya ako nang patalikod habang nakapatong ang aking mga tuhod sa gilid ng kama at siya ay nakatayo sa lapag. Mayroon pa na nakakapit ako sa dingding habang kinakadyot niya sa ganoong posisyon.

Ang hindi ko lang nagustuhan ay nang subukan niyang ipasok si ‘Pedro’ sa puwet ko. Masakit, napakasakit palibhasa may kalakihan ang ari ni Nanding. Umaray ako at napasigaw sa sakit noong unang sinubukan niyang gawin iyon sa akin.

Hindi ako pumayag at hindi rin naman niya ipinagpilitan pa na ituloy namin nang malaman na nasasaktan ako sa halip na masarapan.

Maliban sa patalikod ay paborito ko rin iyong nagkakainan kami. Paiba-iba kami minsan ng posisyon kapag ito ang gusto naming gawin. Minsan ako ang nasa ibabaw, minsan ako ang nasa ilalim. Kinakain niya ako roon at sinusubo ko naman ang kanya. Sa madaling salita ay sabay kaming abala sa pagpapaligaya sa bawat isa kapag ganito ang posisyon na nakursunadahan namin. Kanya-kanya kami ng subo, siya sa ari ko at ako naman sa ari niya.

Masarap kumain si Nanding dahil hinahanap talaga niya ang mani ko, ang pinakasentro ng pagkababae ko sa pamamagitan ng kanyang dila. Kapag nasalat na niya iyon ay pinaglalaro na ang kanyang dila tapos biglang hihigupin ito. Napapatirik ang mga mata ko kapag ginagawa niya ito sa akin. Natitigilan ako sa pagsubo sa kanya dahil ramdam na ramdam ko ang kakaibang sarap at sensasyon na parang kuryenteng dumadaloy sa aking mga kalamnan.

Kung ganito ang posisyon ng pagtatalik namin, ipinagdidiinan ko talaga sa kanya ang aking pagkababae kapag hinihigop na niya ang mani ko. Nakakapanginig ng hita ang ginagawa sa akin ni Nanding. Minsan nakakalimutan ko nang nakasubo sa bibig ko ang kanya ngunit wala naman akong ginagawa kundi subu-subo ko lang iyon dahil tirik na ang mga mata ko habang hinihigop niya ako roon.

Kapag nalaman ni Nanding na nilabasan na ako, pakikilusin naman niya ako. Hihiga iyan at pababayaan na laruin ko sa bibig ang kanyang ari.

Kapag malapit nang labasan ay sasabihin sa akin para iluwa ko sabay sasalsalin ko para makalabas lahat. Sumasabog sa kanyang puson at minsan nga sa lakas ng putok ay kumakalat sa sapin ng kama namin ang malagkit at mainit-init na likidong galing sa kanya.

Noong una naming ginawa ito ay parang asiwa akong gawin. Kailan man ay hindi ko pa kasi ito ginawa sa asawa ko. Hindi namin ginawa ang magkainan. Nandidiri pa nga ako noong una ngunit nakasanayan ko na rin dahil masarap pala. Pinalilinis ko muna sa kanya ang ‘Pedro’ ni Nanding kapag kursunada niyang gawin namin ang ganitong posisyon. Ganun din ang ginagawa ko sa aking ari na hinuhugasan ko munang mabuti para maalis ang panghi. Kaya mabangu-bango pa dahil sinasabon ko ito bago ipakain sa kanya.

Hindi rin mapigilan minsan ni Nanding ang kanyang sarili na mapahiyaw kapag sarap na sarap sa pakikipagtalik ko sa kanya. Sinesenyasan ko nga minsan na huwag maingay dahil nakakahiya kapag may nakarinig sa amin. Kaya paimpit na halinghing na lang ang maririnig sa pagitan naming dalawa kapag nagtatalik.

Ngunit madalas na ako ang panay halinghing. Lalo na kapag nasa mood akong makipagtalik sa kanya. May mga araw kasi na mas gusto ko pa na magkatabi lang kami ngunit walang sex. Sabi ko sa kanya, hindi namin dapat araw-arawin dahil baka magkasawaan kami. Hindi nga araw-araw dahil minsan lang siyang nakakapunta sa akin, ang kaso kapag nagkita kami siguradong maghapon at kapag doon pa siya natulog ay magdamagan halos na wala siyang kasawaan.

Kapag matagalan kami ay tumatamlay rin ang ari ni Nanding. Sakaling ganito na ang nangyayari ay nagkakasya na lang kami sa romansahan. Ngunit para tigasan uli siya ay dinidila-dilaan ko ang ulo at kapag tumigas ay mabilis niyang ipinapasok sa akin.

Ganun ang naging takbo ng buhay ko sa pagsasama namin ni Nanding. Mas lamang ang sekswal kaysa pagsasamang emosyunal ang namamagitan sa amin. Likas pala talaga na mahilig si Nanding. Napatunayan ko ito mula nang magsama na kami.

Unti-unti kong nakilala ang kanyang pagkatao. At unang-una sa naobserbahan ko nga sa kanya ay ang pagkahilig niya sa sex. Laging may nangyayari sa amin lalo na kapag sa loob ng isang linggo ay hindi siya nakakapunta sa akin. ‘Pagdating niyan sa akin, siguradong magpapakasawa na naman kami sa pagtitikiman.

Ipinagtapat din sa akin ni Nanding kapag nag-uusap kami pagkatapos magtalik na may naobserbahan din daw siya sa kanyang sarili. Simula raw nang magsama na kami ay parang nawalan na siya ng ganang makipagtalik sa kanyang asawa. Mas gusto pa raw niya sa akin at iyon ang hindi niya maintindihan sa kanyang sarili kung bakit biglang nanamlay ang kalibugan niya pagdating sa kanyang asawa.

Sinagot ko siya tungkol sa bagay na ito na baka lang kako talagang nagsawa na siya sa kanyang misis. Sabi ko, ganun talaga siguro ang lalaki na hindi mapalagay sa isang ka-partner lang. Mabilis magsawa sa iisang ka-partner lang at naghahanap ng ibang putahe tulad ng kanyang ginawa sa akin.

Dito ko sinabi sa kanya na baka naman kako ‘pag nagsawa na rin siya sa akin ay bigla akong iiwanan at maghahanap ng iba na namang putahe. Sinagot ako ni Nanding na hindi mangyayari iyon kaya wala akong dapat na ikatakot.

Hindi ko sineryoso ang kanyang sinabi sa akin. Ngunit hindi ko rin siya sinagot sa kanyang sinabi. Sa isip-isip ko, malalaman ko rin ang totoo balang araw bagama’t sa loob-loob ko ay huwag sanang dumating ang araw na iyon. Kung sa bagay, napag-isipan ko na rin ang mga bagay na ito at kahit papaano ay may paghahanda na rin akong ginawa sakaling magkahiwalay rin kami.

Nakalalamang ang sekswal sa relasyon namin ngunit hindi naman ako nagrereklamo dahil mabait siya sa akin. Hindi nagbago ang ipinakikita niyang ugali sa akin buhat noong hindi pa kami nagsasama hanggang sa ibinahay na niya ako. Unti-unti ko ring nakikilala ang kanyang pagkatao na likas pala talagang mabait kaya kahit paano ay suwerte pa rin ako sa pinatulan kong lalaki.


Ngunit hindi nga siguro tumatagal ang mga relasyon na katulad sa amin ni Nanding. Lalo pa’t wala talaga silang mabigat na problema ng kanyang asawa bago niya ako kinabit. Ang kay Nanding ay kapritso lang ng katawan. Dapat ngang sabihin ay tawag lamang ng laman. Gustong makatikim ng ibang putahe dahil nagsasawa na sa araw-araw na ‘luto’ ng kanyang asawa.

Nagsimula kong mapansin sa kanya na bibihira na lamang akong puntahan noong mahigit isang taon na ang aming relasyon. Subalit hindi naman siya nagkukulang ng sustento at mabait pa rin ang pakikitungo sa akin. Iyon nga lang, napuna ko na nagiging madalang na kung siputin niya ako sa inuupahan kong kuwarto kaya hindi ko maiwasang mag-isip kung ano ang nangyayari sa kanya.

Binanggit ko itong naobserbahan ko sa kanya nang minsan ay dumating siya na nakainom. Akala ko nga magyayaya sa akin na mag-sex kami gaya ng dati niyang ginagawa kapag dumating na nakainom ngunit kabaligtaran sa inaasahan ko ang nangyari. Humiga lang sa kama at gusto raw niyang magpahinga.

Sinamantala ko ang pagkakataon na kausapin siya at dito ko sinabi ang napapansin ko. Ang sagot sa akin ni Nanding ay medyo abala lang daw siya sa negosyo nila. Iniiwasan din daw niya na baka makahalata na ang kanyang asawa dahil minsan ay nagtatanong na sa kanya.

Inusisa ko kung ano ang tinatanong ng asawa niya. Kung saan daw siya naglalagi kapag ginagabi o hindi umuuwi sa kanilang bahay sa loob ng isa hanggang dalawang araw. Nagagawan pa rin daw niya ng paraan ngunit ayaw niyang umabot sa puntong baka mag-usisa na ang kanyang asawa at alamin kung ano talaga ang totoong nangyayari sa kanya.

Wala sa isip na nasabi ko kay Nanding na hindi problema sa akin sakaling gusto na niyang tapusin ang relasyon namin. Tiningnan ako sa mata ni Nanding, tingin na parang sinusukat ang aking sinabi. Hindi ako umimik ngunit bandang huli ay pinaliwanag ko na okey lang kako sa akin kung balak na niya akong layuan.

Katwiran ko ay alam ko naman na balang araw ay puwedeng mangyari ito sa amin at pinaghandaan ko na ang pagdating ng araw na iyon. Umiling si Nanding saka nagsalita. Hindi raw mangyayari ang pinangangambahan ko dahil maingat siya sa relasyon namin.

Pagkatapos ay lumipat siya ng puwesto sa pagkakahiga. Tumalikod sa akin at napansin ko na lang na nakatulog na pala. Bitin ang pag-uusap namin. Wala akong nagawa kundi tumabi na rin sa kanya. Nakatulugan ko ang malalim na pag-iisip sa katatapos lang naming pag-uusap.

Hindi na nagising pa si Nanding sa buong magdamag. Tinulugan lang niya ako. Kinabukasan ay nagtaka ako kung bakit ang aga niyang nagising. Kailangan daw niyang umalis dahil may kausap siya sa negosyo nila. Hindi naman niya dating ginagawa ito na maaga pa ay umaalis na sa akin.

Hahaba pa ang kuwento kung iisa-isahin ko ang pangyayari nang mga sumunod na araw. Masalimuot at napakabigat sa dibdib ko. Pinanghinaan ako ng loob nang malaman ko ang tunay na dahilan kung bakit parang nanlalamig na sa akin si Nanding.

Woman’s instinct siguro dahil natunugan ko ang dahilan ng biglang pananamlay ng dati’y masiglang pakikitungo niya sa akin. May ibang babae na naman si Nanding. Nagsawa na rin siguro siya sa akin kaya naghanap uli ng ibang kandungan. Naniniwala akong ganito nga ang nangyari sa kanya dahil ito rin ang dahilan kung bakit naging mapilit siya na makuha ako hanggang sa maibahay.

Kabit na nga ako, naghanap pa ng ibang kabit si Nanding. Bale tatlong babae na kami sa buhay niya. Una ang original niyang asawa, ako at itong bagong dating na kasosyo ko ngayon sa atensyon niya. Masuwerte talaga kapag bago dahil buhos ang atensyon ng lalaki sa iyo. Katulad noong bago-bago lang ang relasyon namin ay alagang-alaga ako ni Nanding. Panay-panay rin ang sex namin noon na bandang huli ay bigla siyang tumamlay.

Kaya pala nananamlay na sa akin eh, dahil may bago siyang kinagigiliwang uwian at sipingan. Ang bigat sa loob ko na malamang may kinalolokohan na naman siyang iba. Ngunit hindi na ako nagalit pa. Hindi ko rin siya sinumbatan tungkol dito.

Kinausap ko na lang si Nanding na kung ayaw na niya sa akin ay diretsuhin na ako para tapos na ang relasyon namin. Ayaw pa raw niyang tapusin ang pagsasama namin. “Ano’ng gusto mo, tatlo-tatlo kami na kung kailan mo gustong uwian ay doon mo lang sisiputin?” sabi ko sa kanya.

Sukat doon sa sinabi ko ay biglang nagalit si Nanding. Hindi naman daw siya nagkukulang sa akin kahit nagloloko siya. Ganun pa rin daw ang binibigay niya sa akin kahit may bago na siyang kinalolokohan. Totoo iyon ngunit hindi ko gusto ang ganitong klaseng arrangement. Salu-salo na kami at unang kinatakot ko ay baka magkasakit ako o sinuman sa amin sa kagagamit ni Nanding.

Nagpasya akong umalis na lang. Pinakiusapan ko siyang huwag na akong pigilan para matahimik na rin ang buhay ko. Tinanong niya ako kung saan pupunta. Wala kako dahil wala na rin akong uuwiang pamilya buhat nang sumama ako sa kanya.

Hindi na ako pinigilan ni Nanding. Binigyan pa niya ako ng konting halaga. Pero sakaling magbago raw ang isip ko ay kontakin ko lang siya. Hindi ko na ginawa ito. Tuluy-tuloy na ang pag-alis ko. Naisip ko rin na tama na ang kalokohan ko. Marami na akong kasalanan unang-una sa aking pamilya na inabandona ko.

Sa ngayon ay isang madilim na nakaraan na lamang ang turing ko sa naging takbo ng buhay ko noon. Inuusig ako minsan ng aking konsensya ngunit ipinagdarasal ko na lamang na sana’y patawarin ako sa mga ginawa ko.

Pagpasensiyahan mo sana Xerex ang napakahaba kong sulat. Sana ay mailathala ninyo ito at kapulutan sana ng aral ng ibang babae.

No comments: